GCash pinadali ang pag-invest sa Arthaland shares gamit ang GStocks PH

Mas mapapadali na para sa mga Pilipino ang paglahok sa Series G at H preferred share offering ng Arthaland Corporation (ALCO) sa pamamagitan ng GStocks PH ng GCash, na iniaalok sa pamamagitan ng broker na AB Capital Securities Inc.


Nagkakahalaga ng P500 bawat share ang offer. Ang Series G (ALCPG) ay may dividend rate na 7.3260% kada taon, habang 7.8105% kada taon naman ang Series H (ALCPH), alinsunod sa mga tuntunin at kondisyon ng offer. Karaniwang nagbibigay ang preferred shares ng fixed dividends at prayoridad sa pagtanggap ng dividends kumpara sa common shares. Tatagal ang offer period mula Setyembre 14 hanggang Setyembre 25.

Layunin ng offering na mapalawak ang access ng retail investors sa iba pang paraan upang magkaroon ng potential income mula sa kanilang investments, habang ginagawang mas convenient ang paglahok sa stock market. Noong nakaraan, kadalasang kailangan pa ng hiwalay na bank account at pakikipag-ugnayan sa isang physical broker upang makapagsimulang mag-trade sa stock market at makilahok sa share offerings gaya ng follow-on offerings.

May built-in subscription meter din ang platform na nagpapakita ng available shares na inilaan sa broker. Makikita agad ng investors ang kanilang share allocation kapag nag-subscribe, sa halip na maghintay hanggang matapos ang offer period.

Kung mapuno ang inilaan na shares at maging oversubscribed ang offer sa GStocks PH, maaari pa ring magsumite ng orders ang investors. Matatanggap nila ang resulta ng kanilang allocation matapos ang offer period.

“Ang financial inclusion ay hindi lang tungkol sa mas maraming financial services. Importante rin na gawing mas simple, kapakipakinabang, at akma sa pang araw-araw na pangangailangan ng mga Pilipino ang kanilang financial experience. Sa pag-digitize ng financial services at pagpapadali ng investing, mas nagiging accessible ang pag-manage ng finances, paggawa ng informed decisions, at pagkakaroon ng mas malaking control sa kanilang financial journey,” sabi ni Mynt group head of new businesses Winsley Bangit.

Maaaring simulan ng mga fully verified GCash users ang kanilang investment journey sa “Invest” section ng app at piliin ang GStocks PH. May mabilis ding onboarding para sa mga bagong user at libreng paglipat ng pondo papunta at mula sa GCash wallet nang hindi na kailangan ng bank account.

Sa pagpapalawak ng digital access sa securities offerings, layunin ng GStocks PH na mahikayat ang mas maraming Pilipino na makilahok sa capital markets at magkaroon ng mas convenient na paraan upang mapalago ang kanilang ipon at investments.

 

Post a Comment

0 Comments